WebQuest Lesson Plan in Araling Panlipunan 9

Sangay ng Davao Del Norte
MataasnaPaaralan ng Mabuhay
Mabuhay Carmen, Davao del Norte
Banghay-aralin sa Araling Panlipunan 9
Taong Panuruan: 2019-2020
WebQuest Lesson Plan

Pamantayang Pagganap:
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa ekonomiya at sa bansa. (AP9MSP-IVc-6)

I.LAYUNIN:
1. Naisa-isa ang mga sakop ng sektor ng agrikultura.
2. Nailalarawan ang mga gawaing gampanin ng agrikultura, pangingisda at paggugubat.
3. Napapahalagahan ang agrikultura bilang mahalagang sektor ng ekonomiya.

II. Nilalaman:
Paksa: Sektor ng Agrikultura
Kagamitan: laptop, internet connection, Modyul ng Mag-aaral Grade 9

III. Pamamaraan:
A. Panimula:
Ang agrikultura ay ang paglinang at pagpaparami ng mga hayop, halaman at halamang –singaw para gawing pagkain, hibla, panggatong, gamot at iba pang mga produkto para gamitin sa pagpapanatili at mapabuti ang buhay ng mga tao. Naging susi ang agrikultura sa pagsulong ng kabihasnan na nagdulot sa pamumuhay na nakahimpil lamang o sedentary. Nangyari ang ganoong uri ng pamumuhay dahil ang pagpapaamo o pagdomestikado ng mga espesye ay nakalikha ng mga kalabisan sa pagkain.

B. Paglinang ng aralin:
1. Mga Gawain: (Activities)
           a. Pakikinig ng isang kantang bayan. (Magtanim ay di Biro – hanapin sa internet ang videong                ito (https://www.youtube.com/watch?v=f8TgQ0aagls)




           b. Mag-isip ng limang bagay o anoman na pumapasok sa isip mo kapag naririnig o inaawit
               ang “Magtanim ay Di Biro.”

2. Palaisipan: (Abstraction)

            a. Bakit ang limang bagay na ito ang naisip mo kaugnay ng awiting “Magtanim ay di Biro”?
            b. Ano ang nabubuo o pumapasok sa isipan mo habang inaawit ang “Magtanim ay di Biro”?
            c. Anong sektor ng ekonomiya nabibilang ang tema ng awitin? Ipaliwanag.

3. Paunlarin (Analysis) *Hanapin sa google website, economics journal ang sektor ng agrikultura

            a. Para sa iyo, bakit mahalaga ang sektor ng agrikultura?
            b. Ano ang kahalagahan ng sektor na ito at sa buong bansa upang matugunan ang
                pangangailangan ng bawat isa?

4. Isabuhay: (Application)
            a. Pangkatang Gawain: hahatiin ang klase sa apat na pangkat
               Mag-uulat ang bawat pangkat pagkatapos nilang magsaliksik tungkol sa sektor ng
                agrikultura. Maaari ninyong hanapin sa mga sangguniang ito: ( Ito ay gagawin sa susunod
                na araw)     
              • https://journal.com.ph/editorial/opinion/agrikultura-pangingisda-pangangahoy
              •Ekonomiks Grade 9
                Mula sa mga impormasyon tungkol sa sektor ng agrikultura, bumuo ng Concept
                Definition  Map gamit ang modelong ito.


              a. Ano ang mga kahalagahan nito?
              b. Ano ang mga bumubuo dito?


IV. Pagtataya:

                    Rubrics: para sa pagmamarka sa pag-uulat

Pamantayan
1
2
3
4
Puntos
Nilalaman
Talagang hindi maunawaan ang mensahe. Magulo ang pag-uulat.
Medyo Malabo ang mensahe. Di gaanong maayos ang pag-uulat
Malinaw na naipabatid ang mensahe at maayos ang pagsasagawa
Malinaw na naipabatid ang mensahe sa ginawang pag-uulat

Kagamitan/visual aid
Walang ginamit na anong kagamitan
May ginamit pero di maayos ang pagkakalahad sa mga detalye
Angkop at maayos na kagamitan. Nailahad ng maayos mga detalye.
Napakaangkop at napakaayos na mga kagamitan. Malinaw at maayos na nailahad ang mga detalye.

Pagtawag pansin sa mga manunuod/nakikinig
Di nakatawag pansin sa manunuod dahil sa mahinang pagsasalita at di seryoso sa pag-uulat.
Nakatawag pansin sa manunuod dahil sa malakas na pagsasalita ngunit di maayos sa pag-uulat.
Nakatawag pansin sa manunuod dahil sa maayos na pagsasalita at magandang pag-uulat.
Nakatawag pansin sa manunuod dahil sa maayos na pagsasalita at madamdamin at seryosong pag-uulat.

Kabuuan







V. Takdang-aralin: Isulat sa isang buong papel

1.       Ano-ano ang mga suliranin sa sektor ng agrikultura? (Hanapin ito sa goggle website)


        * Modyul ng Mag-aaral sa Ekonomiks Grade 9





Inihanda ni:
Gng. Margie R. Amarillo
Teacher 1


















Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

21st – Century Learning: 3R’s and 7C’s

Cold War