Cold War
Ang mahigit apat na dekada matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay tinawag na panahon ng Cold War. Ang Cold War ay digmaan ng nagtutunggaliang ideolohiya ng dalawang pinakamakapangyarihang bansa o superpower. Pinangunahan ito ng United States (U.S.) bilang modelo ng kapitalismo at ng Union Soviet Socialist Republics (U.S.S.R.) na nakabatay sa sosyalismo. Bahagi at pinakamakapangyarihan ang Russia sa tinawag na U.S.S.R. Tinawag itong Cold War sapagkat hindi tuwiran o direktang nagdigmaan ang dalawang bansa . Sa kabila nito, nag-init din ang tunggalian dahil sa rebelyon at digmaan sa mga bansang napailalim sa impluwensiya nila . Ang mahigpit at mainit na tunggalian ng dalawang bansang ito ang dahilan kung bakit napanatili ang balance of power o balanse ng kapangyarihan sa daigdig. Dahil sa kanila, nabansagan din ang kaayusang pampolitika noong panahon ng Cold War na bipolar world o daigdig na may dalawang magkaibang panig
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento