WebQuest Lesson Plan in Araling Panlipunan 9
Sangay ng Davao Del Norte MataasnaPaaralan ng Mabuhay Mabuhay Carmen, Davao del Norte Banghay-aralin sa Araling Panlipunan 9 Taong Panuruan: 2019-2020 WebQuest Lesson Plan Pamantayang Pagganap: Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa ekonomiya at sa bansa. (AP9MSP-IVc-6) I.LAYUNIN: 1. Naisa-isa ang mga sakop ng sektor ng agrikultura. 2. Nailalarawan ang mga gawaing gampanin ng agrikultura, pangingisda at paggugubat. 3. Napapahalagahan ang agrikultura bilang mahalagang sektor ng ekonomiya. II. Nilalaman: Paksa: Sektor ng Agrikultura Kagamitan: laptop, internet connection, Modyul ng Mag-aaral Grade 9 III. Pamamaraan: A. Panimula: Ang agrikultura ay ang paglinang at pagpaparami ng mga hayop, halaman at halamang –singaw para gawing pagkain, hibla, panggatong, gamot at iba pang mga produkto para gamitin sa pagpapanatili at mapabuti ang buhay ng mga tao. Naging susi ang agrikultura sa pagsulong ng kabihasnan na nagdulot...