Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2020

WebQuest Lesson Plan in Araling Panlipunan 9

Imahe
Sangay ng Davao Del Norte MataasnaPaaralan ng Mabuhay Mabuhay Carmen, Davao del Norte Banghay-aralin sa Araling Panlipunan 9 Taong Panuruan: 2019-2020 WebQuest Lesson Plan Pamantayang Pagganap: Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa ekonomiya at sa bansa. (AP9MSP-IVc-6) I.LAYUNIN: 1. Naisa-isa ang mga sakop ng sektor ng agrikultura. 2. Nailalarawan ang mga gawaing gampanin ng agrikultura, pangingisda at paggugubat. 3. Napapahalagahan ang agrikultura bilang mahalagang sektor ng ekonomiya. II. Nilalaman: Paksa: Sektor ng Agrikultura Kagamitan: laptop, internet connection, Modyul ng Mag-aaral Grade 9 III. Pamamaraan: A. Panimula: Ang agrikultura ay ang paglinang at pagpaparami ng mga hayop, halaman at halamang –singaw para gawing pagkain, hibla, panggatong, gamot at iba pang mga produkto para gamitin sa pagpapanatili at mapabuti ang buhay ng mga tao. Naging susi ang agrikultura sa pagsulong ng kabihasnan na nagdulot...

Cold War

Imahe
Ang mahigit apat na dekada matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay tinawag na panahon ng Cold War . Ang Cold War ay digmaan ng nagtutunggaliang ideolohiya ng dalawang pinakamakapangyarihang bansa o superpower . Pinangunahan ito ng United States (U.S.) bilang modelo ng kapitalismo at ng Union Soviet Socialist Republics (U.S.S.R.) na nakabatay sa sosyalismo. Bahagi at pinakamakapangyarihan ang Russia sa tinawag na U.S.S.R. Tinawag itong Cold War sapagkat hindi tuwiran o direktang nagdigmaan ang dalawang bansa . Sa kabila nito, nag-init din ang tunggalian dahil sa rebelyon at digmaan sa mga bansang napailalim sa impluwensiya nila . Ang mahigpit at mainit na tunggalian ng dalawang bansang ito ang dahilan kung bakit napanatili ang balance of power o balanse ng kapangyarihan sa daigdig. Dahil sa kanila, nabansagan din ang kaayusang pampolitika noong panahon ng Cold War na bipolar world o daigdig na may dalawang magkaibang panig